Wednesday, February 11, 2009

NAKAKAMISS...

Wala lang. Namiss ko lang bigla ang maraming tao. Tulad ng mga dati kong members. C Cyryl, ang isa sa pinakamakulet kong member sa Team Anyang. Hayy. C Iya, si Cha na ka-IM ko kanina. Sabi nya, "wer near yet so far." Ang dami ko nang gustong sabihin sa kanya tungkol sa mga bagay-bagay na napag-usapan namin dati pero hindi ako makahanap ng time. Sobrang busy na rin kasi nya. Miss ko na rin sina Charmi, Debbie, pati ang baby ko na si Jammy Jam. Lahat sila sa dating Team Anyang. Maging mga hausmates ko miss ko na rin. Dati kasi nakakapagkwentuhan pa kami after ng work subalit nitong mga nagdaang araw, hindi na kami makapagkwentuhan mula nung kumuha ako ng evening shift. Hayy. Hindi na kami makapagkwentuhan ni Johanna about sa aming favorite topic.

Miss ko na rin ang tatay at nanay ko. Sabagay, uuwi ako sa darating na Sabado. Isa pang namimiss ko ay si... OO, miss ko na sya. T.T . Heto na naman ang feeling na hinahanap mo yung taong nagpapasaya sa yo at nagbibigay ng inspirasyon. Hindi kompleto ang umaga ko kung hindi ko sya nakikita. Hayun na. Period!